What is my name?

Rumplestilskin it is!

Litratong Pinoy #7 – Pilak September 11, 2008

Filed under: Litratong Pinoy — rumplestilskin @ 5:37 pm
Tags: , , , , , ,

Ang aking damit na pangkasal ay gawa sa pilak na tela. Kaya hindi na kailangan ng maraming burloloy o magarang disenyo.

My wedding gown is made of silver cloth. There was no need for too much accessories or intricate design.

 

Litratong Pinoy #6 – Ayaw Ko August 28, 2008

Filed under: Litratong Pinoy — rumplestilskin @ 8:53 pm
Tags: , , , ,

Sa lahat ng ayaw ko yung pinagliliban yung pagbuo ng mga furniture na binili namin sa Ikea. Alam nyo naman ang Ikea products puro do-it-yourself. Kung ayaw gawin agad ng asawa, eh di ako ang gumagawa. Okay lang kasi mahilig naman ako magbuo.

Among all the things that I hate is delaying to build the furnitures we buy from Ikea. Well, Ikea is well known for its do-it-yourself products. If my spouse refused to do it right away, I do it myself. I’m alright with it because I love to build things.

 

Litratong Pinoy #5 – Mithi August 21, 2008

Filed under: Litratong Pinoy — rumplestilskin @ 9:41 pm

Isa sa mga minimithi ko ay ang makapagbakasyon. Sa wakas natuloy din. Dito kami pumunta.

One of my wishes is to go on a vacation. Finally, it came true. This is where we went.

 

Litratong Pinoy #4 – Dalampasigan July 31, 2008

Filed under: Litratong Pinoy — rumplestilskin @ 8:46 pm

Ito ang isla ng Boracay noong 1996. Virgin pa ang dalampasigan ng Boracay noon hindi tulad ngayon. Ang hirap pang puntahan ang kabilang dako ng isla kung nasaan ang white sand. Sumakay kami ng tricycle at naglakad ng malayo bago kami nakarating. Medyo maputik pa noon at sinisimulan pa lamang ang pagtayo ng hotel at golf course. Alam ko marami ng pagbabago ngayon sa islang ito. Kelan kaya ulit ako makakapunta dito? Basta ang alam ko hindi na ito tulad ng dati.

This is Boracay Island in 1996. The beach in Boracay is still virgin during this time unlike today. It was hard to get to the other side of the island where the white sand is. We took the tricycle and walked far before we reached our destination. It was a bit muddy at that time and they were still starting to build a hotel and golf course. I know that there’s a lot of changes in this island now. When can I visit this place again? All I know is that it’s not the same as before.

 

Litratong Pinoy #3 – Luntian July 17, 2008

Filed under: Litratong Pinoy — rumplestilskin @ 5:30 pm

Ang luntiang gulay ay mahalaga sa ating kalusugan.

Green vegetables are good for our health.

 

Litratong Pinoy #2 – Tatak Pinoy July 3, 2008

Filed under: Litratong Pinoy — rumplestilskin @ 7:52 pm

Ang karaoke ay tunay na tatak pinoy. Hindi masaya ang handaan kung walang kantahan. Isama na rin ang inuman.

Karaoke is an authentic flip trademark. A party is no fun without those singing sessions including those drinking sprees.

 

Litratong Pinoy #1 – Pag-aaral June 26, 2008

Filed under: Litratong Pinoy — rumplestilskin @ 12:57 pm

Kasama sa curriculum ng preschool ang field trips. Isa sa mga pinuntahan nila ay ang bus depot. Sumakay yung mga bata sa publikong bus. Pinakita sa kanila kung paano nililinis yung bus habang sila ay nakasakay. Masaya ang mga bata at pati na rin ang mga magulang kasi may natutunan din sila.

Field trips are part the preschool’s curriculum. One of the trips they made is to the bus depot. The kids took a ride in a public bus. They watched how the bus is washed while riding the bus. The kids were happy and so were the parents because they too have learned something.